Simula ng ako’y magtrabaho sa Lungsod ng Makati, lagi na lang akong sumasakay ng MRT para makarating agad sa aming opisina sa pinakamabilis na paraan. Araw-araw kong inaakyat ang matataas na hagdanan ng Santolan-Annapolis station at nakatunganga sa pwesto ko na hindi lalagpas sa dilaw na linya. Ayoko rin naman lumagpas dun kasi wala pa akong planong magpakamatay o kung ano pa man.
Marami na akong narinig na kwento tungkol sa MRT. May mga nakakatawa, may nakakainis, may aksyon, may romance at may drama din. Dati ay naiplurk ko ang tungkol sa dalawang babaeng nasa 40’s na naghamunan magsapakan at tinakot pa nila ang isa’t isa. Meron din akong nasubabaybayan na eksena na ang isang lola ay pilit na prinoprotektahan ang apo na special child. Meron din akong nakitang dalawang babae na “extra sweet” sa isa’t isa. Meron din akong nakitang nakatunganga tulad ko.
Anywayz, ayun nga. Kanina, ang aga ko pang nagising. Masarap din kasi ang tulog ko kagabi. Hindi ko na ugali ngayon ang mag-almusal kaya “ligo, bihis, alis” palagi ang drama ko tuwing papasok ako sa opis. Tulad ng inaasahan, tulakan, sikuhan at siksikan na naman kanina sa MRT. Labas-pasok ang mga tao sa bawat istasyon hanggang sa para na kaming mga sardinas na nakakulong sa isang lata at may mga sardinas pa na pinipilit na isiksik ang kanilang mga sarili. Hay!
KUNG PWEDE LANG SUMABIT SA TREN, GINAWA NA NAMIN!
Guminhawa ang aking pakiramdam nang akin nang makita ang liwanag ng Buendia station. Isang akyat lang sa hagdanan, konting lakad at isa pang hagdanan mararating ko na ang exit. Yes! Isang sakayan na lang!
Sa sobrang haba ng pila kanina sa sakayan ng FX sa oras na 8:20AM, napagpasyahan ko na mag-jeep na lamang. Hinawakan ko ang aking bag at nagtaka ako kung bakit nakabukas ito. Akala ko nakalimutan ko lang isara o baka binuksan ko ng di ko namamalayan.
At pumila ako para sumakay ng jeep. Wala din akong payong kanina kaya sobrang init. Nang makasakay na ako, unahan na naman ang mga nagmamadaling kapwa ko “corporate slaves”.
“Bayad po.. Bayad po.. Pakiabot ang sukli”
Ayun! Kelangan ko nang magbayad. Ilalabas ko na ang itim kong wallet. Ay, hindi ko siya makapa. Wait lang…
Nandito ang aking cellphone, ang kikay kit, ang camera.. asan ang wallet ko?
NASAAN ANG WALLET KO?
Continue reading →