Simula ng ako’y magtrabaho sa Lungsod ng Makati, lagi na lang akong sumasakay ng MRT para makarating agad sa aming opisina sa pinakamabilis na paraan. Araw-araw kong inaakyat ang matataas na hagdanan ng Santolan-Annapolis station at nakatunganga sa pwesto ko na hindi lalagpas sa dilaw na linya. Ayoko rin naman lumagpas dun kasi wala pa akong planong magpakamatay o kung ano pa man.
Marami na akong narinig na kwento tungkol sa MRT. May mga nakakatawa, may nakakainis, may aksyon, may romance at may drama din. Dati ay naiplurk ko ang tungkol sa dalawang babaeng nasa 40’s na naghamunan magsapakan at tinakot pa nila ang isa’t isa. Meron din akong nasubabaybayan na eksena na ang isang lola ay pilit na prinoprotektahan ang apo na special child. Meron din akong nakitang dalawang babae na “extra sweet” sa isa’t isa. Meron din akong nakitang nakatunganga tulad ko.
Anywayz, ayun nga. Kanina, ang aga ko pang nagising. Masarap din kasi ang tulog ko kagabi. Hindi ko na ugali ngayon ang mag-almusal kaya “ligo, bihis, alis” palagi ang drama ko tuwing papasok ako sa opis. Tulad ng inaasahan, tulakan, sikuhan at siksikan na naman kanina sa MRT. Labas-pasok ang mga tao sa bawat istasyon hanggang saย para na kaming mga sardinas na nakakulong sa isang lata at may mga sardinas pa na pinipilit na isiksik ang kanilang mga sarili. Hay!
ย
KUNG PWEDE LANG SUMABIT SA TREN, GINAWA NA NAMIN!
Guminhawa ang aking pakiramdam nang akin nang makita ang liwanag ng Buendia station. Isang akyat lang sa hagdanan, konting lakad at isa pang hagdanan mararating ko na ang exit. Yes! Isang sakayan na lang!
Sa sobrang haba ng pila kanina sa sakayan ng FX sa oras na 8:20AM, napagpasyahan ko na mag-jeep na lamang. Hinawakan ko ang aking bag at nagtaka ako kung bakit nakabukas ito. Akala ko nakalimutan ko lang isara o baka binuksan ko ng di ko namamalayan.
At pumila ako para sumakay ng jeep. Wala din akong payong kanina kaya sobrang init. Nang makasakay na ako, unahan na naman ang mga nagmamadaling kapwa ko “corporate slaves”.
“Bayad po.. Bayad po.. Pakiabot ang sukli”
Ayun! Kelangan ko nang magbayad. Ilalabas ko na ang itim kong wallet. Ay, hindi ko siya makapa. Wait lang…
Nandito ang aking cellphone, ang kikay kit, ang camera.. asan ang wallet ko?
NASAAN ANG WALLET KO?
Nawindang ako ng sobra. Parang gusto kong bumaba ng jeep pero ayoko din ma-late. Patago akong tumawag sa bahay para kausapin si Ate Lenny at ipacheck kung naiwan ko ang aking wallet. Sabi niya wala daw doon. Sabi ko hanapin nya ulit. Wala daw talaga ang kulit ko daw.
NADUKOT ANG WALLET KO!!! WAAAH $(%#)%*#!!!!
Bumaba ako sa jeep nang hindi nagbabayad ng pamasahe. Alam kong masama ang ginawa ko, pero anong magagawa ko?
Ang hirap ng ganitong sitwasyon. May limang daan ako sa wallet ko kanina pero wala naman talaga akong keber dun. Ang ikinasakit lang ng ulo ko ay ang hassle ng pagpapacancel ng atm cards, importanteng business cards at pictures at mga e-gcs na di ko nagamit.
Kaya kayo mag-ingat kayo sa MRT! Yung iba dyan nakapang-ofis pa ang outfit. Hay..
Naalala ko tuloy nung nadukutan ako ng cellphone.
Grabe, sa sikip sa MRT at banggaan ng mga tao sa loob. Hindi mo talaga mamamalayan na nadukutan ka na.
My MRT ride this morning was smooth. But last week it was a Php 15.00 steam bath. The air conditioning was broken. The cabin was crowded. It was really disgusting.
I’m ultra sensitive to touch (lol) that’s why whenever someone makes contact with my body automatically naka-alert mode na ako for possible snatchers.
Minsan may nag-ccaress pa ng pwet but that’s a whole fuckingly different story LOLOLOL. (angry)
Buti na lang ang naranasan ko ay super siksikan lang…
Awww poor you. Hugz.
Sorry to hear/read this. ๐ Anyway, next time tlga have vigilant eyes. Laging titignan ang mga kamay ng mga kasama mo kung sa MRT man yan or sa bus or jeep ka.
@Ade – Badtrip noh? Grrr..
@Maki – True. kaso wala rin naman akong choice. Mahal magtaxi. Ambagal din ng bus. Wala pa rin akong sariling kotse.
@Paul – Oo nga eh. I’m glad na sa experience na yun kasama mo kami hehe
@George- Hipuan blues? Kahit sa female section may ganyan LOL
@Aileen – thanks ate ๐
@Laarni – Yupyup. Kaso minsan kasi sa sobrang siksikan sa mrt you can’t even look sa side or wherever.
i know nagiingat ka…dobleng ingat na lang and sana makarma (not in the plurk way) yung dumekwat ng wallet mo
congrats on your new blog, sis. ngaun lang ako nakadalaw.
take care.
at least andyan pa ang camera at cell phone mo. ingat
hala! no ba yan.. tsktsk.. isa ka ng biktima ngaun ng MRT. ang hirap lang sa mga ganyang lugar na pang masa.. hehehee..
what i do kapag sumasakay ako ng MRT, lagi akong my dalang jacket, at seryoso mukha ko, tipong ayokong my dumidikit sa akin, kaya ung mga tao sa paligid ko mejo nag aalangan, ๐
tipong sobrang arte ko na ayaw ko ng my katabi kung sino sino. na napakalaking kasalanan bakit ako nasa MRT… ๐
and thank god, hindi pa ko nadukutan..
ingat ka sa susunod..
So sorry to hear that.
Sa MRT these days, it’s even safer to hold your cellphone and wallet rather than keep them in your pockets or your bag. Never carry a bag without a zipper and a flap inside the MRT especially for the ladies.
I still can’t forget the old man who’s a frequent snatcher sa QAve station. I don’t have enough evidence to prove that he’s a snatcher but he’s tried to get my 6300 twice before and I’ve managed to look and pat my cellphone soon enough before he could have gotten away with it. Beware talaga. That old man strikes during noontime pa. Around 12-1pm. Fucker. I hope he gets run over by the train.
Wheewwww mica! yan tao ka na ng lubusan, hehehhehe Your MRT experience ever! wehehehhehe Buti nalang ako di wallet ang pinaginteresan katawan ko lang! LOL
Don’t worry “Xa” na bahala sa kanila!
@jaydj – Oo nga eh. Hay Karma na lang ang bahala sa kanya
@Fingertalks – Thanks for the visitl How are you na?
@Sexymom – thank God na lang. whew!
@Edward – Believe it or not, mas mahirap kasabay sa MRT ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
@Jap – Ay ganun haha tama “Xa” na lang ang bahala.
kaw kasi dapat naka tali ang wallet mo.. hehehe
What an experience. Korek ang sabi ni Jehzlau, itali sa sarili ang wallet.
Pingback: MICAMYX.COM - Personal Blog of a Dagupena Dreamer » Six Months of Belofication
Pingback: MICAMYX.COM - Personal Blog of a Dagupena Dreamer » Micamyx @ 2008 - The Journey of a Dagupena Dreamer
Ganon talaga pag may pera ang walet madudukot talaga yon.. Cheers..