Bihira na akong magsulat ng blog entry in taglish pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa tingin ko, sa ganitong paraan ko lang maipapahayag ang tunay kong nararamdaman sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga taong naging malaking impluwensya sa buhay ko kahit pa marami ang hindi nakakaalam o nakakaintindi kung bakit ganito siya ka-importante sa akin na naisipan ko pang gumawa ng blog post tungkol sa kanya.
Tara, balik tayo sa taong 1999…
Umuusbong pa lang ang internet noon. Naalala ko pa nga na natuto akong mag-internet dahil may nakita akong website address sa isang Spice Girls memorabilia. Sabi ng kaklase ko, mag-internet daw kami para makakita kami ng maraming pictures ng Spice Girls. Ano nga ba yung internet? Ay, sa kompyuter ‘yun. Maraming nagagawa sa internet pero napakamahal. Sa iskul namin noon, pwede ka gumamit ng napakabagal na dial-up internet sa internet laboratory na makikita sa main library. Php 25 per hour. Bago ka makagamit, kailangan mong pumunta pa sa cashier para magbayad ng itinatawag na ‘internet fee’. Dahil isa akong estudyante na kakarampot lang ang baon, sobrang namamahalan ako. Umabot pa nga sa puntong hindi ako kakain ng ilang araw maipon ko lang yung bente singkong pambayad ko sa isang oras na pagi-internet.
Ang adiksyon ko sa pagi-internet ay lalong lumala (in a good way, i must say) noong isang araw, may isang OJT na naawa sa akin.
‘Bakit ba ang hilig mo mag-internet? Ano ba lagi ang ginagawa mo?’ tanong ng OJT.
‘Nagche-check ng emails tsaka inu-update ko ‘yung mga Yahoo Clubs ko for each Spice Girl. Nasa Top 10 nga ng Yahoo yung ginawa ko para kay Posh Spice tsaka kay Baby Spice’ sagot ng batang adik sa Spice Girls.
‘Ah, ganun ba? Sige ganito… ibabalik ko ‘tong resibo mo tapos ipakita mo na lang kapag may ibang magi-inspect. Kung walang tao tapos ako yung nagbabantay, pasok ka lang tapos pagagamitin kita ng internet basta hindi puno yung workstation.’ sabi ng OJT.
Syempre, laki ng tuwa ko nu’n. Akalain mo, makakainternet ako ng libre? Kahit sabihin pa na may mas bossing pa siya dun, siya rin naman palagi ang nagbabantay. Nakakatuwang isipin ngayon na noon, basta recess at lunch ko at uwian ay nakapila na ako sa internet laboratory na yun. Minsan mas maaga pa akong pumunta dun kesa sa kanya. May time pa nga na nakatulog ako sa labas dahil hinihintay ko siyang dumating para pagamitin lang ako ng internet yun pala down yung internet connection ng buong Dagupan π
Hanggang sa dumating yung puntong nakiki-scan na ako sa scanner dahil inihahanda ko ang mga materyales ko para sa aking Websayt. Gumawa ako ng websayt sa Geocities gamit ang mano-manong HTML. Nakilala ko na rin ang iba pa at naging kaibigan ko na rin sina Sir Erik at marami pang iba.
Hanggang sa nag-high school na ako. Yung OJT na yun ay opisyal nang Internet Administrator sa eskwelahan at halos sa lahat ng events ay nandun siya dahil siya ang may bitbit palagi ng projector kapag may programa. Naaalala ko pa nga kung paano niya ako asarin kapag natatapos ang bawat pagsayaw o pagkanta ko sa stage.
‘Si Mica o, bumi-Britney Spears!’
‘Hindi. Mas gusto ko si Christina Aguilera o si JLO!’
Hanggang sa lalong lumala ang adiksyon ko sa internet at ayun, dumami ang kakumpitensya. Salamat na lang at naging peborit na rin ako ng iba pang administrators at ayun nga, tambay pa rin ako dun kahit hindi na talaga ako nagbabayad sa pagi-internet. Hindi nga naman kasi ako gumagamit ng internet para makipag-chat lang o kung anuman. Productive akong internet user. Gumagawa ako ng mga website – ng mga artista. Oo na, huwag niyo akong tawanan. Productive yun dahil kung wala ang mga websites na yun, di ako makikilala sa internet.
Hanggang sa nag-college na ako. Dito ka nang nag-umpisang magsalita na ‘Parang kelan lang pumipila pa ‘to sa labas para lang makapag-internet. Ngayon college na!’
Dahil sa pagka-adik ko sa internet, in-offeran ako nina Sir Erik at Sir Stephen na maging OJT. Shet, parang kelan lang OJT lang din si Sir Stephen tapos ako elementary student pa lang, tapos ngayon ako na ang nago-OJT? How fast time flies!
Tapos ayun, ipinagkatiwala sa akin ang forum ng eskwelahan. Hanggang sa nakilala ko yung mga Encoders doon at bigla na lang sinabi rin ni Sir Ray sa akin na:
‘Gusto mong maging encoder? Tutal mahilig ka naman mag-computer tsaka para may extra money ka na rin’
Oo nga naman. Tapos ang dami pang encoder dun na mukhang mababait at ok kasama. Bakit nga ba hindi?
Hanggang sa ayun nga’t naging OJT/Encoder/Dance Troupe/Student/Tumatambay sa SG ako. Ako na ang winner sa multitasking LOL. Halos every sweldo ay may kainan sa IT Server room. Minsan may outing at sino ba naman ang makakalimot sa mga happy moments? Masasabi ko na ang paglagi ko sa kwartong iyon kasama ang mga kapwa ko estudyanteng kumakayod ang isa sa pinakamasayang parte ng college life ko.
Hanggang sa ayun, sayaw pa rin ng sayaw at nagpapaka-student leader na ako. In short, palagi ako sa events. Hindi lang siya projector man – Photographer na siya! π Si Sir Stephen na ang palaging present para kumuha ng pictures sa loob at labas ng LNU-related events – hanggang sa lalong lumaki ang kanyang network of friends.
Hindi kataka-taka kung bakit marami ang nagmamahal sa kanya – he was everybody’s friend.
Umabot sa puntong grumaduate na ako ng college.
‘Grabe, graduate ka na ng college! Parang kelan lang pumipila ka pa sa taas (library) para mag-internet. Ngayon IT graduate ka na! Saan ka na n’yan, Micamyx?’ tanong ni Sir Stephen sa akin.
Pagkaraan ng isang taon, bumalik ako sa workplace/tambayan na IT Server.
‘Nabasa ko yung blog mo. Grabe kung saan-saan ka na napapadpad!’
Minsan pa nga, nakkwento ka pa ng lolo ko sa akin na ikaw pa mismo ang nagsabi sa kanya ng mga pinaglalalagay ko sa blog ko. Natuwa ka pa nga dahil ‘Dagupena Dreamer’ pa rin ang tagline ng blog ko. Ang pagiging updated ninyo sa pinaggagagawa ko ay isang puruweba na kahit papano ay proud kayo sa akin.
Tapos last year nakwento mo sa akin na may gagawin kayong project kasama ang mga kapwa ko FQDians. Wow, photo studio? Finally!
Tapos sinabihan mo ako na magkakaroon ng event at hiniling mo sa akin na sana’y makauwi ako para i-cover ang event. Bilang surprise, dinalaw ko kayo sa bago ninyong studio. Nakakaaliw isipin na may nagsabi sa akin na
‘Hindi pa kita na-meet dati, pero pakiramdam ko kilalang-kilala na kita. Proud na proud si Sir Stephen sa’yo!’.
‘Yun pala, kinukwento mo ang mga achievements ko sa kanila. Ang sarap ng pakiramdam na isang taong nakita kang mag-improve sa isang larangan ang magsasabi ng mga magagandang bagay tungkol sa’yo. Bihira na akong umuwi ng Dagupan, pero maliban sa aking lolo at lola, ang IT Server room ang hinding-hindi ko kinakalimutang bisitahin dahil naroroon ang mga taong tunay na nagtiwala sa akin simula’t sapul pa lamang. Ang pinakamatagal sa lahat ng iyon ay ikaw, Sir Stephen.
Teka, sa Facebook ko pa nga, may mga kuha ako na ni-like mo. Teka, nag-chat pa nga pala tayo three days ago, diba? Tinanong mo kelan ako uuwi at sinabi mo na magshu-shoot tayo ng short film sa Pangasinan. I have my script ready and you said na kayo na ang bahala sa gamit.
Sabi ko uuwi ako ng April.
Kanina lang, nakatanggap ako ng tawag mula sa Qatar. Mula iyon sa isang kaibigang kapwa ko naging encoder sa IT server years ago. Akala ko isang normal na tawag na pangangamusta lang. Yun pala, nais lamang niyang i-confirm na nasa Pilipinas na ako at malaman na sumakabilang-buhay ka na.
‘Mica, patay na si Sir Stephen’
Taragis. Nananaginip ba ako? Imposible yun. Oo, super haggard ang mga pinagdaanan ko these days, pero huwag naman magbiro na patay na ang isang taong malapit sa puso ko.
‘It happened this morning. DOA daw’
Damn it, totoo nga.
Biglang automatic na nag-rewind ang lahat-lahat ng memories simula noong Grade 6 pa lang ako na nagtiyatiyagang pumila sa internet lab hanggang sa bumalik ako ng Dagupan para i-cover ang una ninyong event para sa Bangus Ink. Teka, nakilala mo pa nga ang ilan sa mga blogger friends ko noong Nobyembre. Bumisita ako sa IT Server room para itanong sa iyo kung paano mag-commute papuntang Calasiao.
‘Taga-Dagupan ‘yang si Mica, pero mahina sa directions. Mas kabisado pa niya ‘ata ang Manila!’ sabay tawa.
‘Mag-pigar-pigar kayo para maramdaman nila kung paano ang buhay dito sa Dagupan. Sa Galvan kasi, doon mo makikita ang bawat Dagupeno from different walks of life. Dun nagsasama-sama ang mga mayayaman at mahihirap na Dagupeno’.
Tama ka nga, Sir Stephen. Diba pagbalik ko galing UK magpi-pigar-pigar tayo ng mga dating OJT? Sige.
Anobayan. Bakit sa isang iglap, nawala ka na? Napakasakit isipin na pumanaw ka na. It’s hard to imagine a dead image of you because you’re a lively person. Ikaw yung tipong problemado na ang lahat ng tao, pero kalmado ka pa rin. Nakakamiss yung pang-aasar mo sa akin at sa aking pagiging blogger queen ng Dagupan.
Nakakamiss dahil hindi na kita makikita sa tuwing dadaan ako ng IT Server Room. Wala na ‘yung ‘Oi Micamyx! Kamusta? Saan ka ulit lalakwatsa? Sino na mga artistang nakilala mo? Ano bago mong award? Kelan tayo gagawa ng short film? Kamusta si Lolo at Lola mo? Kamusta si Carlo at Mama mo?’
Wala na siya.
Ayokong magalit kahit emosyonal ako ngayon. Ayokong magtanim ng galit kahit napakasakit. Sana kung nasaan man siya ay patuloy pa rin niyang gabayan ang mga taong nagmahahal sa kanya. It’s actually hard to imagine a LNU-related event without seeing you fixing the projector or taking pictures.
In this blog entry, I mentioned na one day, i will blog on how you contributed to my internet addiction. Nakakalungkot lang isipin na sa ganitong paraan ko siya ikukwento. Panatag lang ako dahil nai-cover ko ang event na ni-request mo na puntahan ko. Hay. Nakakapanghina ng loob pero gusto kong magpasalamat dahil minsan sa buhay ko, may isang STEPHEN MUNOZ na naging malaking impluwenysa sa buhay ko.
May you rest in peace, Stephen.
Aaww, kakapraning makareciv ng ganyang phone call. =(
Condolence mica. why did he die? inatake?
condolence. so sad that this happened but don’t feel bad kung ngayon ka lang nakawrite ng article. we are reminded of the good things that a person has shown us. take care.
Condolence Mica π
Condolence mica, hindi talaga natin malalaman kung hanggang kelan lang tayo..
na-meet pa namin sya nung nagpunta tayo sa Pangasinan…
..my condolences mica…I’m sure he is in good hands na…
my deepest condolences Mica. ang kulit kulit pa niya. nakakabigla lang nung siya pala yung nameet naten sa Pangasinan..
condolence Myx..
nakikiramay ako sa inyo π
my deepest sympathy. π stay tough
~BIG WARM HUG~
he will be remembered and cherished. he is in peace now. im sorry for your loss, mica.
OMG I didn’t know that it was him! Di ko na kasi maalala yung itsura niya pero parang familiar nga sa pic. =(
Condolence Mica. He had such a positive vibe when we met him before.
Condolence. May he rest in peace. π
i met stephen when he joined dagupan bangus jaycees. masipag, mabait, humble. naging kabarkada, kainuman, ka-addict sa photography, videography at IT. he took photo shots with iser during my wedding din.
i grieve his sudden loss. he also made a big difference in our lives. we cry justice for our brother.
may you rest in peace stephen. we will miss you bro.
so sad to know sis… π
condolence ms.mica. i’m sure stephen is proud of you. he would have loved to read this.
hi mica, condolence. i will remember him in my prayers this Lent…
si kuya stephen, schoolmate ko yan sa St. John, ka batch kasi ng ate ko, nung nag transfer ako sa LNU dun ko uli sya nakita, at talagang diko akalain kilala pa nya ako. parati kaming nag lolokohan sa IT dept. lalo na pag kasama ko ang bestfriend kong si marci, parati namin syang inaasar ni kuya steph. tapos pag nasa downtown kami ni marci naglalakad lakad sya parati ang nakakakita sa amin at pumupuna sa trip naming maglakad ni marci. Si kuya steph sya yung tao na pag talagang kilala nya at makikita nya sa daan, talagang babatiin ka nya, ngingitian or kakawayan. matagal ko syang di nakita after nung nagtapos ako ng aking kurso sa LNU, kaya nung nabalitaan ko ang nangyari sa kanya sa aking bestfriend na si marci. di ako makapaniwala, bakit sya pa? sa dinami dami ng tao. bakit sya pa? sana makamit ang katarungan sa nangyari sayo kuya steph. hope magbigay ka ng sign para malutas ang kaso. Our Prayers is the best way to help the soul and the family of kuya stephen. To kuya stephen, may you rest in peace and be happy with Our Lord Almighty.
Condolence, Mica. Continue to be strong.
Condolence. Ganda ng pagkasulat, parang ma-pefeel mo na andun ka sa mga event na na mention mo. From the pila sa internet cafe to the encoding job that you had. Im sure you will miss him. Bait pala ni Stephen!!!
Condolence Mica s kaibigan mo. Interesting piece. Naalala ko yung college pa, sa school lab kami nag i-internet. π
i don’t know the guy, but it felt really really sad. he was really loved by his peers, friends and family. condolence to you and his family and friends. May he rest in peace! Will say a little prayer for him after this.
nakakalungkot naman ang blog post na ito *sniff
His death was so Sudden. I got the news from Jizela thru text. I thought It was just a dream. I was on my way to work and I browsed my inbox kasi naalala ko na may dream ako na may nagtext sa’kin na stephen’s gone. TOTOO PALA. π
Things will never be the same when this guy is not around. wala na mag luluto, mag aasar kay sir ray, etc. Great guy to be with
STePHEN MUΓβoZ, one of the Musketeers sa LNU-IT Server room when I stayed in Dagupan while programming the bloody Schoolbliz system..
— kakampi lagi sa Counter Strike Sessions (lunchtime!)
— Sarap niya magluto (pinakbet, dinakdakan(??), or bangus).. I could still remember our pigar-pigar sessions.. Lagi niya kaharap si Ray.. kasi ako kaharap ko si Sir Erik..
— really awesome guy na lagi lang nakangiti, tumatawa..
— few units away from being a Phd holder(??)
One thing I won’t forget about him, I ask him to check for resorts and/or in Alaminos, kasi pupunta daw kami Hundred Islands (with the GTI team). And he did checked and reported to me the Monday thereafter! ‘ B****SIT Tanghaling tapat ko pinuntahan Jan.. ang init init!’… hehehe.. All i can say to him is “Sorry bro.. ”
@Mica, Buti ka pa nga nakausap mo pa siya, ako last ko siya nakausap March of 2007..