Siderodromophobia

October 31 MRT Santolan-Annapolis Station

October 31 MRT Santolan-Annapolis Station

The phobia related to the extreme fear of trains, railroads and travel by rail is Siderodromophobia.

Kaninang 7:30 ng gabi, akala ko ay katapusan ko na.

Kasama ang ilan sa mga pasahero ng MRT na nagmamadaling umuwi, kami ay naistranded sa bandang gitna ng Ortigas at Santolan-Annapolis station. Ilang beses nagbukas-sarado ang pintuan ng tren noong nasa Ortigas station pa ito, pero hindi kami pinababa ng drayber. Habang ito ay umaandar, biglang may pumutok malapit sa pwesto ng drayber. Bigla na lang nangamoy sa loob ng tren at marami ang halos magpanic. Naisipan ko pa ngang i-text ang ilan kong kaibigan para ipaalam na baka iyon na ang huling araw na ilalagi ko sa mundo. Binuksan namin ang mga bintana ng tren para kami naman ay makahinga ng mabuti at hindi mamatay sa amoy ng umuusok na kuryente.

Alam mo ba kung ano ang iniisip ko habang ako ay naistranded sa gitna ng MRT railway? Ayoko pang mamatay. Hindi pa ako handa. Marami akong mga pangarap na kailangan pang tuparin at maraming nagmamahal sa akin na paniguradong malulungkot kung sakaling ako ay pumanaw na sa mundong ito. Ayoko rin mamatay sa gitna ng isang alanganing lugar dahil may tsansang hindi marekober ang bangkay ko. Hindi rin ako magdadalawang-isip na tumalon sa bintana ng tren para ako ay makaligtas sa isang aksidente. Ganun pala ang feeling lalo na’t halloween pa. Tsktsk.

Stranded na nga, nagpplurk pa

Stranded na nga, nagpplurk pa

Nakakatuwa lang isipin na nagawa ko pang mag-plurk sa bingit ng kamatayan. OA ba ang pagkalahad ko sa nangyari sa akin kanina? Siguro. Pero nakakanerbyos. Nakakakaba. Nakakatakot. nakakapagpabagabag. ‘Di ako sigurado kung tama yang spelling na yan, pero yan ang naramdaman ko kanina. Sakto lang.

Masyado akong napagod at nalungkot kaninang hapon. Hindi kasi kami nakapagbayad sa mga bi-nook namin na Piso Fare tickets mula sa Cebu Pacific. Sayang, nagbook pa man din ako ng flight papuntang Macau, Kota Kinabalu at Puerto Prinsesa. Sina Ada at Shena naman ay nagbook para sa Davao, Ilo-ilo, CDO, Singapore, Kuala Lumpur at Cebu. Wala na lahat ng iyon. Napakamalas.

Sa pagod, puyat at stress, maiistranded pa ako. Sa ilang sandali ay nakadama ako ng Siderodromophobia, o takot sa tren. Sasakay pa ba ako ng tren? Oo naman. Pero hindi ko siguro maiiwasang matakot na mastranded ulit. Sana lang andyan si Captain Barbell o Darna na maaari kaming sagipin sa gitna ng sakuna’t problema. Pwede rin na si Astroboy.

Ano ang nararamdaman ko ngayon? Eto, ayos lang. Akala ko sobra-sobra na ang stress na naramdaman ko kanina. Mas lalo pala ako masstress sa mga bagay-bagay na pinipilit mong intindihin sa tunay na buhay pero bigla ka na lang napagod at sumuko. Alam mo yung tipong nasa MRT Ayala station ka ng 7PM at pa-North bound ka. Pinipilit mong isiksik ang sarili mo sa konting espasyo para lang makarating ka kaagad sa paroroonan mo pero hindi na talaga pwede? Maraming pasahero na nanunulak, naniniko o nagmumura, pero pinipilit mo silang intindihin kaya ikaw na lang ang nagggive way at naghihintay ng isa pang tren na pwede mong sakyan na may alokadong espasyo para sa iyo…  May pagkakataon pang concerned ka sa kapwa mo pasahero kung kaya’y siya na lang ang pinapaupo mo at ikaw ay tatayo na lamang o bababa sa isang istasyon at maghihintay na lang ng susunod na tren. Ikaw na ang magsasacripisyo dahil isa kang martyr. Naghihintay ka kahit gaano katagal…. Naghihintay ka hanggang sa napagod ka’t natrauma ka sa tren na ayaw mo nang sumakay nito ulit.

Sa susunod na pasada ng tren, meron din kayang magpapaupo sa akin? Meron din kayang iintindi sa akin? Meron din kayang mapapaubayang ibigay ang konting espasyo para guminhawa naman ang pakiramdam ko?

Sana.

Sana.

Sana.

Pero bakit ko nga ba ipinagsisiksikan ang sarili ko sa tren kung wala na talagang espasyo? Mas mabuti pang mag-bus na lang ako. Makakapag-emote pa ako ng bonggang-bongga.

0Shares

10 thoughts on “Siderodromophobia

  1. dlysen

    Namis ko tuluy sumakay sa MRT, tagal ko narin hindi nakikipag unahan, parang laro nalang eto sa mga karamihan. Ung iba nag eenjoy ung iba naman may hindi, and minsan may nananamantala.

    Reply
  2. Micamyx Post author

    @LetsGoSago – Wah! mean LOL πŸ˜€ Thanks for the hug and yeah, i’m looking forward to Feb 13, 2010 πŸ˜€

    @Ada – Gusto mo rin ma-stranded? Wah wag. Mahirap. Nakakatuliro hehe πŸ˜€

    @Bryan Karl – Thanks Bryan πŸ™‚

    @Dlysen – Nadukutan na rin ako sa MRT ng wallet T_T

    @Jehzlau – Oo. Unforgettable talaga, pero bakit ka nakasmile? amf.

    Reply
  3. Bryan Amparo

    Hindi ka pa nakakasakay sa lumang PNR, noh… Kapag sumakay ka dun araw-araw, mai-immune ka na sa Siderodromorada… whatever that term is… πŸ˜€

    Pero in fairness, maraming magpapaupo sa iyo sa lumang PNR…

    Reply
  4. Millionaire Acts

    Pahirapan talaga sa MRT lalo na pag rush hour. Kailangan mo talaga makipagsiksikan ng todo. Siguro ang most unforgettable experience ko sa MRT e nung nahulog yung isang paa ko sa butas between the train and the platform habang nakikipagtulakan ako palabas ng train. Whew! Kakahiya! Pero patay malisya na lang as if walang nangyari. Hehe…

    Reply
  5. Micamyx Post author

    @Bryan – Hindi pa eh, pero gusto kong subukan πŸ˜€

    @Millionaire Acts – Oo nga eh. Ako muntikan na rin dati. Whew. Katakot!

    Reply
  6. Bryan Amparo

    6:30 am at 1:30 pm ang alis ng mga lumang PNR sa Alabang patungong Tutuban.
    12:00 noon ang alis ng lumang train sa Tutuban patungong Alabang
    5:30 pm naman yung mula Tutuban patungong Biñan, Laguna.
    The rest, puro bagong train na.

    Ngayon pa lang, i-try mo na. Malapit ng maging extinct ang mga lumang train ng PNR.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.