The ‘Ideal Couple Award’ Goes To….

Bilang estudyante sa kolehiyo, masasabi ko na napaka-idealistic ko. Hindi man ako naka-enroll sa isang bonggang unibersidad sa Maynila, hindi ako nagpatinag. Aba, kailangan mas maging palaban ako para makaangat sa buhay! Hindi ako masyadong pala-aral, pero gusto ko na habang maaga ay ma-expose na ako sa realidad ng tinatawag na ‘corporate world’. Bilang kamamamatay lang ng tatay ko at sadyang matigas ang ulo ko, nagtanong ako kung pwede na akong mag-OJT sa school.

The ideal couple back in college (2005)

The ideal couple back in college (2005)

Bago ko ilahad ang OJT story ko, iku-kwento ko muna ang ilan sa mga extra-curricular activities na pinag-kaabalahan ko noon. Una na r’yan ang LNU Dance Troupe. Isang taon lang ako tumagal dahil sa samu’t saring dahilan. Isa na rin sa rason kung bakit ako umalis ay ang pakikipag-kaibigan ko sa mga opisyal ng Student Government namin. Natutuwa ako kasi kahit na busy sila sa kani-kanilang kurso, nabibigyan nila ng oras at sapat na atensyon ang mga hinaing ng kapwa estudyante. Oo, gusto ko maging officer din sa Student Government ng Unibersidad namin. Sama ako ng sama sa kanila hanggang sa tawagin na akong saling-pusa. Meow.

 

Isa sa mga nakilala kong lider sa aming unibersidad ay si Ate Milagros. Kung tama ang pagkakatanda ko, siya ang sekretarya ng organisasyon. Kumukuha siya ng kursong Education at tuwing nakikita ko siya, palagi siyang busy. Either nagbabasa siya ng libro o nagtatayp sa kompyuter. Ang sipag!

Isang araw, nagkaroon kami ng bonding moment. Nandoon ako sa opisina nila. Imbes na tumambay kung saan at gumawa ng kalokohan, pinili kong ipagsiksikan ang sarili ko sa opisina nila. Napag-usapan namin ang usaping love life.

Ate, may boyfriend ka na?

Napangiti lang ito. Nandoon din si Kuya Jajo yun at sinabi nito na masayang-masaya ang love life ni Ate Milagros. Dahil sadyang natural sa akin ang pagiging kiligin, kinulit ko ito ng kinulit sa pagpapakwento.

Sige na, Ate. Kwento mo naman!

Nasabi niya na estudyante rin ang kanyang nobyo, pero sa ibang kurso. Computer Science daw ang kinukuha nito ang kasalukuyang busy sa thesis.

Matagal-tagal na rin ang relasyon nila at sabi niya, they inspire each other to do better for the future. Kapag oras daw ng eskwela, hindi sila masyadong nagkikita para makapag-concentrate sila sa kung anuman ang kailangan nilang gawin. Minsan kasi (o madalas), nagiging sagabal sa pag-aaral ang pag-ibig lalo na kung sobrang clingy ng dyowa mo.

Nagkwento siya ng nagkwento na may halong kilig at kislap sa mata nya. Hay… gusto ko rin ng ganyan! Saya siguro ng pakiramdam na inspired ka palagi. First year college pa lang ako nun kaya huwag niyo akong sisihin kung idealistic ako!

Bandang second semester na nang sumabak ako sa pago-OJT. Siguro’y natuwa ang mga bossing dahil bata pa lang ako, lagi na akong sumisingit sa internet room para makagamit ng kompyuter. As early as Grade 5, lagi na akong nakapila. Salamat kay Kuya Stephen sa lahat… ikaw ang kunsintidor kaya ako naging adik sa pagi-internet! Aba, wala kaming kompyuter sa bahay at gusto ko na palaging updated ang mga fan sites na kapag iniisip ko ngayon ay hindi ko alam kung paano ko nagawa ang mga yun. Grabe. Salamat talaga Kuya Stephen (+).

So nag-umpisa na nga ako sa OJT. Ang una kong assignment ay ang pag-maintain ng school forum… at pagfe-friendster pag walang nakatingin lol.

Isang araw, ipinakilala ako kay Kuya Elizalde a.k.a. Berbs. Fourth year Computer Science student ito at ang unang impresyon ko sa kanya? Seryoso. Napaka-seryosong nilalang. Laging may dalang maliit na notebook at bolpen. Natakot ako kasi parang napaka-perfectionist, pero excited din ako kasi alam kong may matututunan ako.

Inutusan nila kami na mag-trouble shoot ng PC sa opisina ng Medicine. Sumama ako.

Dahil natural ang pagiging tsismosa ko, nag-tsika na rin ako sa kanya.

Kuya, anong course mo?

Computer Science

Blah blah blah hanggang napunta sa love life ang usapan. Tinanong ko kung may girlfriend siya. Tumango lamang ito habang busy sa pagto-trouble shoot. Siguro nasa isip niya, mapapatrouble siya sa batang tanong ng tanong LOL

 

Nakalimutan ko na kung paano, pero bigla akong nagkwento na idealistic ako pagdating sa pag-ibig. Automatic na ata na nagkkwento ako o nagpapakwento tuwing may nakikilalang bago. Sabi ko, meron kasi akong nakilala na idol ko na estudyante.

Sige nga, Kwento ka pa.

May nakilala ako na isa sa mga student leaders pero di ko sasabihin anong pangalan niya. Mataas ang grades niya tsaka student leader pa siya. Ang galing!

Talaga? Anong course niya?

Education.

Ah… ok yan ah.

Oo nga kuya eh. Tapos alam mo ba, yung boyfriend niya matalino rin daw.

Paano mo nalaman?

Kuya secret lang natin to, ah? Com Sci student ata yung boyfriend niya tapos nagthe-thesis ngayon. Fourth year na at busy rin sa OJT pero ang maganda sa relasyon nila naggi-give sila ng time for each other. Hindi clingy. Tipong balanced yung work and love. Ang galing. Gwapo nga raw boyfriend niya eh.

Napangiti ito sabay sabi “Ang swerte nga nilang dalawa noh”

Kilig-kilig na parang fangirl kong sinabing oo.

At biglang nag-snap ang realidad.

Kuya, anong course mo ulit?

Com Sci

What year?

Fourth year

Tinatapos mo thesis mo ngayon?

Oo.

Hala. Patay. Hindi kaya yung ideal boyfriend na sinasabi ko at itong kausap ko ay iisa?

Agad-agad akong tumakbo sa SG office para hanapin si Ate Mhiles. As usual, nagbabasa ito ng libro.

Ate, may kasalanan ako sayo…

Ano yun?

Biglang may pumasok na lalaki at boom – si Kuya Berbs pala yung boyfriend ni Ate Mhiles! Pwede bang mag-disappear? Imbes na magalit, natuwa pa ito kasi syempre puro papuri ang sinabi ko 😛

... and the love story continues! Cheers to Mr. and Mrs. Berba! :D

… and the love story continues! Cheers to Mr. and Mrs. Berba! 😀

Pagkaraan ng halos siyam na taon nang mangyari ‘yun, ikinasal na rin sina Kuya Elizalde at Ate Mhiles! I’m so happy for the both of you! Dahil sa inyo, naniwala ako na may true love talaga kahit gaano ito ka-rare sa panahon ngayon. Eto na ‘yung ‘future’ na pinaghahandaan ninyo noon. Maraming salamat sa inspirasyon! Mahal na mahal ko kayo 😀

0Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published.