Ang kalendaryo ay muli na namang pumatak sa ika-labing tatlo ng Biyernes at nagkataon pa na sa buwan ng Enero pa! Matagal na ang haka-haka tungkol sa dinadala diumanong malas ang ganitong petsa. Ewan ko kung may inbisibol anting-anting lang ako, pero lagi naman akong masaya sa tuwing sumasabit sa araw na ito.
Hindi naman talaga tungkol sa suwerte o malas ang nais kong isulat sa aking websayt. Gusto ko lamang ibahagi sa kapwa ko Pilipino ang mga gumugulo sa isipan ko noong mga nakaraang araw. Kapag nasa loob ka lamang ng bahay at halos walang ginagawa kundi ang matulog, kumain at magbabad sa harap ng kompyuter, kung minsan ay naglalakbay ang iyong isipan sa dako pa roon. Saan ‘yun? Ewan.
O eto na ha uumpisahan ko na. Halo-halo ito kaya huwag masyadong maguluhan. Kung sumasakit na ang ulo mo, eh di ‘wag ka nang magbasa. Hehehe.
1. Nakatanggap ako ilang regalo mula sa mga kaibigan kahit tapos na ang pasko. Maraming salamat sa inyo! Sa totoo lang, mas gusto ko sana na pera na lang ibigay ninyo sa akin dahil may pinag-iipunan akong biyahe (na naman?!) at balak ko rin sanang bumili ng ilang importanteng gamit. Ganito kasi yun, bumigay na yung laptop ko. Pagkatapos ng limang taon naming pagsasama ay bumigay na siya. Parang boypren ko na kasi ‘tong laptop ko. Kunsabagay, naging matatag naman siya sa mga panahong kinailangan ko siya. Mas tumagal pa nga ang relasyon namin kesa sa kung ano pang relasyon sa mundo.
2. Nag-umpisa nga pala ako ng bagong planner. Maliban sa travel planner na natanggap ko mula sa Wanderlust Journals รย kung saan ako nag-sumite ng isang maiksing artikulo tungkol sa pinakamamahal kong Dagupan City, meron na rin akong hiwalay na planner para sa aking mga gastusin. Napansin ko na hindi naman talaga ako maluhong tao, pero hindi ko talaga maiwasang gumastos para sa Iced Mocha at Coke Regular. Dumagdag pa ngayon ang Lucky Me Pancit Palabok na nagpapakulo muna talaga ako ng itlog para kunwari kumpletos rekados. Ang tanging pampalubag-loob ko na lang ay ang ideya na gumagastos ako para sa pagkain. Importante kaya yun!
3. Nakatakda na naman akong bumiyahe at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ang bata-bata ko pero ang lakas ng loob ko na pumunta kung saan-saan. Para sa akin, isang biyaya ang bawat lakwatsa lalo na kung may pabaong magandang alaala at mga leksyon pag-uwi. Lalong mas masaya kung may pabaon ding pagkain. Hehe. Teka, ayun nga may byahe nga ako. Lilibot na naman ako sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at lalabas din ako ng bansa. Mas magandang mag-lagalag habang bata pa. Tutal, hindi naman natin alam kung kailan tayo mamamaalam.
4. Paulit-ulit ang mga damit na sinusuot ko. Naisulat ko na sa Senyorita ang tungkol sa bagay na ito, pero grabe paulit-ulit talaga! Lagi na lang ako naka-pantalon (2 pares lang ang meron ako), naka-tsinelas (tapos minsan hindi pa magkapares nasusuot ko grrrr), t-shirt (na kadalasan ay puti). Kailangan ko nang mamili dahil pinapagalitan na ako ng nanay ko. Pinadalhan niya ako ng ilang damit, pero yun ng yun na lang din sinusuot ko. Nakakatamad kasing mamili eh. Sana kasing giliw ako ng ilang kikay dyan sa pamimili ng damit.
5. รย May mga pagkakataon na tinitingnan mo ang mga larawan na kuha noon lalo na yung mga masasayang alaala, pero madalas na nanghihinayang lang ako. Bakit kasi nauso pa ‘yang Facebook timeline? Masayang gunitain ang ilang magagandang pangyayari, pero kung minsan ay bumabalik lang ang sakit o pagsisisi.
6. Gusto na akong pabalikin ng nanay at kapatid ko sa UK. Gusto ko na rin sanang bumalik, pero pwede bang bitbit ko rin ang Pilipinas papunta dun?
7. Dahil sa mga byahe ko, madalas na napagkakamalan akong mayaman. Minsan napipikon ako sa tuwing may kakausap sa akin sa Facebook tapos sasabihan ako na ‘Oi manlibre ka naman labas tayo’, pero sila naman yung may trabaho. Babanatan mo rin na ikaw ang may trabaho eh di ikaw ang manlibre tapos sasagutin ka na wala siyang pera. Madalas mangyari to sa akin kaya kung natatamaan ka, hindi ka nag-iisa. Hindi ko makuha kung bakit kung sino pa ang dalawang beses sa isang buwan nakakatanggap ng sahod eh sila pa yung laging walang pera. Niloloko mo ba ako? Niloloko niyo ba ako?
8. Ipapalabas na sa Lunes ang Legacy sa GMA-7. Masaya ako kasi paborito ko yung tatlong bida: Sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Alessandra de Rossi. Silang tatlo yung mag-aagawan para sa mana at pare-pareho silang palaban. Medyo nairita lang ako dahil sa nilabas nilang teaser, parang binunyag na nila yung buong istorya. Hahayz. Panonoorin ko pa rin ‘to kasi sa tingin ko, silang tatlo ang mga matatawag mo talagang ‘aktres’.
9. ‘Yung pangarap ko na magsulat para sa isang pelikula ay hindi na naman matutuloy. Katamaran ba ito o iba lang talaga ang prayoridad ko ngayon? Sana libre na lang ang paggawa ng pelikula. Hindi ko rin ma-umpisahan pa yung pagbabalik ng PROJECT52WEEKS dahil gusto ko may bago muna akong laptop.
10. Bakit ba may mga tao na mahilig mag-untag? Minsan yung iba nakakaduda tuloy kung ano ba talaga ang iniisip nila. Nagu-untag ba sila palagi dahil ayaw nilang madungisan ang profile nila, o kinakahiya lang nila na magkaibigan kayo? Kasi kung ibang tao naman hinahayaan lang nila.
11. Namimiss ko yung dati kong trabaho. Masayang magtrabaho kung gustong-gusto mo yung ginagawa mo.
12. Kapag wala ka talagang magawa tapos medyo inaantok ka pa pero hindi ka makatulog, kung anu-ano nasusulat mo noh? Tulad ngayon.
13. Teka, ano ang ika-labing tatlo? Wah. Tutulog na ako.
I miss you Mica!!! Haaai! Emo ka lately ah…Emo din ako….Maging EMO na tayo! hahahaha! Mwah!
Walang tungkol sa boyfriend chu chu? Haha
4. Paulit-ulit din yung suot ko sa work. Yung tipon parang di na ko nagpapalit ng damit. Jowk! Pero nag-iipon na talaga ako para makabili ng murang damit sa ukay-ukay. Yung mura lang, ha.
10. Aaay, guilty ako dyan sa pag-uuntag. Kasi minsan nagtatag yung mga friends ko ng mga embarassing photos na baka makita ng pamilya ko. Yes, Facebook friend ko yung lola at mama ko. Hahaha.
Happy 2012 sayo!
@Rabsin – Hahaha super inaantok lang ako that time at medyo bugnutin kaya nasulat ko yan ๐ Ok na ako pagkagising LOL. I miss you to love and belated happy birthday! ๐
@Bryan Amparo – Oo nga noh ๐ Wala kasi akong alam sa lab-lab na yan eh hahaha ๐
@Will – I must do the same when it comes to clothes. MEdyo tamad lang talaga ako zzzz tsaka priority kasi pagkain at lakwatsa haha
Nasa Facebook ko din Mama ko and some relatives. Lolo ko naman lurker haha ayaw daw niya mag-Facebook kasi kuntento na siya sa YG ng batch nya sa college. Happy 2012 din sa’yo, Will!
hello po ate Mica ๐ Happy 2012 na lang po! GOD BLESS you always!