Kuro-Kuro sa Araw ng Kalayaan

Ika-labing dalawa na naman ng Hunyo. Paniguradong maglilipana na naman sa daan, dyaryo, tv at internet ang larawan ng pinakamamahal nating bandila. Buong-pagmamalaking iwinawagayway ng ilan sa ating mga kababayan ang simbolo ng demokrasya ng ating bansa.

Carlo makes his own Philippine Flag

Naalala ko noon na paborito ng kapatid kong si Carlo na mangolekta ng Philippine Flag. Sinubukan ko nga siyang bilhan noon ng iba’t ibang klase ng bandila, pero ayaw niya. Interesado lamang siya sa Philippine Flag. ‘Tila makabayan talagang maituturing ang mahal kong kapatid. S’yempre, ito ay aking ikinagagalak. Ibig sabihin ay marunong siyang magpahalaga sa kanyang bayang pinagmulan.

Pag-usapan naman natin ang iba pang klase ng kalayaan. Sa ngayon, maituturing ko ang sarili ko na malaya – hindi ako nakatali sa isang kumpanya na kinakailangan kong kumayod sa loob ng isang opisina na nakaharap sa kompyuter araw-araw sa itinakdang oras. Wala rin akong boypren na kailangan ko ring bigyan ng report kung nasaan ako, sino ang kasama ko, anong kulay ng damit ko at kung anu-ano pang shet. Hindi ko rin kasama sa bahay ang mama ko na kasama ngayon ng kapatid ko sa UK. Maluwag din naman sa akin ang aking lolo’t lola basta ba magpaalam ako kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko. Malaya ako. Kahit papano naman ay may laman pa ang aking bulsa. Hindi man ganu’n karami ang kwartang hawak ko, ang importante ay masaya naman ako.

Today is my Independence Day. Wish Me Luck - Eloisa, The 12th of June (2009)

Malaya ako. Pwede akong pumunta sa ibang bansa ngayon para tuparin ang pangarap kong maglibot at makisalumuha sa iba’t ibang tao mula sa iba-ibang kultura. Mas pinili ko lang na bigyang importansya ngayon ang mga taong mahalaga sa akin at para na rin makapag-isip sa ano nga ba ang landas na gusto kong tahakin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging estado ko sa mga darating na araw. Iniisip ko ngayon na ayusin ang aking resume at susubukan kong magsumite sa iba’t ibang kumpanya. Aminado naman ako na medyo lutang pa ako ngayon. Ibig sabihin nu’n, tamad pa ako. Ganyan ‘ata talaga ang impluwensya ng pagiging Taurus sa akin. Matigas na nga ang ulo, may tsansa pa na maging sobrang tamad. Malay niyo, isang araw din ay gumawa ako ng blog entry dito na ako’y may nobya na o ‘di kaya’y mag-aasawa na’t magkakaanak. Baka rin mas maging aktibo na ako sa aking Travel Blog at kung swertehin, baka makagawa na rin ako ng pelikula. Masayang maging malaya at tingin ko’y kailangan din nating huminga paminsan-minsan. Wala lang ‘ata akong magawa ngayon kaya ang dapat na blog post patungkol sa Philippine Independence Day ay naging isang emo entry =))

Ay teka. Nag-tsek ako ng Twitter ngayon at marami ang nagdidiskusyon pa rin tungkol sa Divorce Bill. Sa totoo lang, medyo 50/50 pa ako pagdating dito. Marami na akong nakitang pamilya na nasira dahil sa samu’t saring dahilan. Madalas na ang annulment process ang pinaka-nagpapahirap ng mga bagay-bagay. Maraming artista sa Hollywood ang napapabalitang nagpapa-divorce na parang nagpapalit lang ng salawal. ‘Yun lang ang ayaw ko sa divorce. Parang sa isang klik lang ay pwede nang kalimutan ang sinumpaang tungkulin na magmamahalan ng wagas habangbuhay. Pero ngayon ko lang din nalaman na magastos pala magpa-annul. Paano na lamang ang mga kababayan nating mahihirap, na hirap na nga sa buhay, hirap pang lumigaya at lumaya. Kaya nga para sa akin, mas gusto ko na maging single na lamang kesa pumasok sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan. Lalo na siguro kapag KASAL. Naku, commitment po yan. Di yan laro-laro.

Nga pala, naalala niyo yung pelikula ko na The 12th of June? Kung hindi niyo pa ito napapanood, panoorin niyo na. Wala lang. Eto yung trailer:

Wala lang. Paano ko ba tatapusin ‘tong post na ‘to? Magsasara na itong donut shop eh. Bye muna πŸ˜›

0Shares

3 thoughts on “Kuro-Kuro sa Araw ng Kalayaan

  1. Jakey Junkie The Bunny

    Marapat lamang, aking kaibigan, na sulitin natin ang kalayaang ating natatamasa sa ngayon. Ito ay sagisag ng ating kasarinlan at tiwala sa sarili. Harinawa’y maging mapayapa ang landas na ating dadaanin. Mabuhay ang Katipunan.

    Reply
  2. helen

    favorite line ko: “Kaya nga para sa akin, mas gusto ko na maging single na lamang kesa pumasok sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan. Lalo na siguro kapag KASAL.”

    hahaha. Everyday is independence day for you, so Happy Independence Day pa rin at June 15. πŸ˜€

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.