Tomorrow is Father’s Day! I have a feeling that most bloggers are busy writing articles related to this special day – whether that includes quotes, songs, gift ideas, poems, movies and so on and so forth. I am more of a Twitter person now and I realized that the hashtag #ilovemydadeventhough is the second trending topic tonight. Because of this, i am inspired to write a random post about my dad.
I will be posting 40 RANDOM FACTS ABOUT MY DAD. I won’t be editing this entry. I will just say whatever i want to say. Why 40? You will know why by the end of this post. Please read, ok?
- Ang pangalan ng tatay ko ay Joseph Arsenio. Ang palayaw niya ay Jojo.
- Ikatlo siya sa anim na magkakapatid. Pero siya ang pinaka-cool (s’yempre, tatay ko yan eh LOL)
- Kung hindi ako nagkakamali, tatlong eskwelahan ang pinasukan niya bago siya nakatapos ng kolehiyo. Hindi naman bopols ang tatay ko, tamad lang. Pitong taon ata siya sa college. At least naka-graduate diba?
- BS in Commerce ang kursong natapos niya, pero ang pagiging Disc Jockey (Radio DJ) ang naging hanap-buhay niya. In fairness, sumikat siya, huh!
- Ang tatay ko ang una’t huling nobyo ng nanay ko bago sila ikasal. Alam ko rin ang detalye kung paano naging sila ΓΒ π S’yempre, hindi ko na isusulat yun. Baka batukan niya ako ngayon dito. I am scared HAHA
- Mas malapit kami ng Papa ko kaysa sa Mama ko kasi lagi niya akong dinadala sa trabaho. Ako ang tagakuha niya ng plaka noon at ako rin tagabalik. Tinuruan niya rin ako kung paano maglinis ng plaka. Meryenda lang ang bayad niya sa akin (madaya!)
- Marami noong fangirls ang tatay ko sa radio station. Kapag nakikita kong nagpapa-piktur o nagpapa-autograph sila, ngumingiti lang ako sabay singit ng ‘O, tama na yan. My dad is happily married and i am his daughter!!!’. Tinatawanan nila ako, pero seryoso ako nun.
- Tatlong yaya ko ang pinalayas niya. Bakit? Masyado kasi akong honest. Hindi ako nasusuhulan kaya hindi nakalusot ang mga kalokohan nila. Yun nga lang, on-the-spot magpalayas si Papa. Next time ko na ikukwento ang mga yun.
- Kahit na hindi siya mayaman sa salapi, mayaman naman siya sa kaibigan.
- Nagsasalita siya kapag natutulog. Nakuha ko nga ‘ata yun sa kanya. Minsan, akala ng mama ko ay gising kaming dalawa at nag-aaway. Nananaginip lang talaga kami.
- Masayang-masaya ako noong makarating kami ng Hongkong bago ako mag-7 years old. Siya ang kumuha ng epic patay gutom photo ko na kumakain ng chicken sa Shakey’s ^__^
- May kalokohang tinuro yan sa akin dati eh. Ibang lyrics ang tinuro niya sa akin sa kantang ‘We Will Rock You’ ng Queen. Oo, yung may mura ang tinuro niya sa akin. Grade 5 na ako nung nalaman ko yung tamang lyrics HAHA.
- Mahilig sila ng mama ko na sumayaw ng swing. Pati kami ni Carlo natuto π
- Magaling magluto ang Papa ko. Paborito ko ang pamamaraan niya ng pagluto ng Bulalo. Tamang-tama ang timpla!
- KASKASERO SIYA. Naalala ko noon na nakikinig kami ng rock songs tapos bigla niyang pinabilis ang takbo ng kotse. Ang dami naming in-overteykan sabay kantyaw sa drayber. Ako naman si liit, nakikikantyaw din.
- Kinaugalian na naming dalawa ang paggising sa gabi para kumain ng ‘Midnight Snack’ – Corned Beef, Fried Egg at Kanin. Midnight Snack yun ha!
- Pinapagalitan niya ako noon kapag bumababa ang ranking ko sa school. Bakit kasi may Math pa?!
- Maraming kalokohan na ginawa ang tatay ko na umabot sa puntong umiiyak ako palagi sa gabi at kahit sa eskwelahan ay dala-dala ko ang bigat ng aking problema. Alam niya yun, pero mahina ang loob niya.
- Sana talaga hindi na lang siya natutong…. pero tapos na ‘yun. At least ako ang natuto sa pagkakamali niya.
- Binigyan ko siya ng pinakawalang kwentang Father’s Day card. I regret that day.
- Siya ang kauna-unahang taong nagsabing isa akong fag hag. Hmp! Dahil daw sa kalandian ng Spice Girls, tingin niya’y dadami ang magiging ‘confused’ sa mundo. Hmmm…
- Hindi ko namana ang pagiging lasenggo niya dahil nagkaka-allergy ako agad. Yey? 0_o
- May ipinarinig siyang demo tape dati sa akin habang nasa kotse kami. ‘Nyek! Sino ‘yan? Ampangit ng boses parang bata’. Yun pala, siya yun nung una siyang sumabak sa pagdi-DJ. FAIL.
- Sinubukan ko noon na dayain sa Top 20 countdown ng Campus Radio Dagupan ang naglalabang #1 and #2 songs – My Heart Will Go On ni Celine Dion at Viva Forever ng Spice Girls. Kahit anong daya ang gawin ko, lamang pa rin ang theme song ng Titanic. Umiyak ako sa radio booth at in-announce ng papa ko sa radyo na ang ‘Greatest Fan ng Spice Girls sa Pilipinas’ ay nagtangkang mandaya. Hindi ko siya pinansin noong umuwi kami.
- Well-traveled siya noong bata. High school nga ‘ata siya noong nakapag-aral siya sa Guyana kasama ang kanyang mga kapatid. Sinabi niya sa akin na balang-araw, magiging well-traveled individual daw ako. Tingin ko, tama siya.
- Mas marunong sila ni Carlo na magtahi kesa sa akin.
- Kapag sinasabihan niya ako na tamad ako, lagi kong sagot sa kanya: ‘Eh kanino naman kaya ako nagmana?!’
- Lahat ng contest na sinalihan ko sa school ay pinanood niya. He’s proud of me. Yihee!
- Napagkamalan akong kabit ng tatay ko dahil sumasayaw kami sa dancefloor. May etchoserang nagsumbong sa mama ko. Mega tawa lang si mader!
- Nagagalit siya noon kapag tinatapalan ko ng ibang kanta ang mga demo tapes niya. Depensa ko naman, marerecord ko pa naman ang mga susunod niyang programa. Sana pala nakinig na lang ako sa kanya. Wala na tuloy akong mahanap na tape recording niya.
- Sabi niya noon, kung Mass Communication din lang daw ang kukunin kong course sa college, wag na lang akong mag-aral. Madadala naman daw ng workshop yung sakop ng MassComm. Tama nga siya.
- Sinabi ng mama ko noon na maghanap ako ng course na nakaupo lang ako. Tutal, tamad daw ako. Suggestion ng Papa ko na mag-IT na lang ako. Yun naman talaga ang kinuha ko haha π
- Isa sa pinakamabigat na araw ng buhay ko ay nang magkaroon siya ng isang brain surgery. Nagkaroon siya ng Left Brain Aneurysm. 14 hours sa operating room at halos isang buwan sa ospital. Pinaka-masakit yung unang gabi. Syet. Hindi niya ako nakilala at ang daming nakakabit sa ulo niya na mga tubo. Ayan, naalala ko na naman.
- Pinigilan niya akong kumuha ng entrance exams sa iba’t ibang university para sa college. Tinakasan ko pa siya nung kumuha ako ng exams para sa SLU. Noong oras na ng enrollment, hindi niya ako binigyan ng pera. Yun pala, may ibig na siyang ipahiwatig noon.
- Nanggagalaiti ako noon sa galit noong mahuli ko siyang nagyoyosi sa kwarto ilang buwan matapos niyang makarecover. ‘Hayaan mo na ako, mamamatay na ako’ – sabi niya. Gusto ko siyang sapakin nun pero di ko naman magagawa. Tatay ko kaya yun?
- ‘Akala ko, hindi ko na makikita ang moon’ – Huling sinabi niya sa huling gabi naming magkasama na magsampay ng damit mula sa washing machine.
- Bago ako magsimba noong Linggong iyon, sinabi ko sa kanya na bibilhan ko siya ng Shawarma kahit na sinigawan niya ako. Pag-uwi ko, natutulog siya. Ginising ko para kumain. After a few minutes, sumisigaw ang mama ko dahil nag-collapse papa ko.
- Dinala siya sa ospital. Right Brain Aneurysm na at naka-coma na siya. Wala akong magawa. Walang magbabantay kay Carlo sa bahay. hindi ako makapunta sa ospital
- Noong sumunod na araw, sumugod ako sa ospital bago nila hilain ang makinang bumubuhay sa kanya. Nakita ko pa siyang lumuha, pero hindi na siya maka-respond. Hanggang sa nalagutan na siya ng hininga. Nakayakap lang ako sa kanya na parang tulog lang siya hanggang sa kunin na siya para dalhin sa morgue.
- 40 years old siya nang iwanan niya kami. 17 lang ako nun. Ang bata, noh?
I originally planned to make a happy father’s day post, but i ended up writing this one. July 5, 2011 marks his 7th year Death Anniversary. I can feel that you’re beside me now. Thank you so much for looking after me. I know that you’re with me wherever i go. I miss and love you so much. We could have been the best Father-Daughter tandem in the blogosphere. ΓΒ Happy Father’s Day π
Ang kulit naman ng picture ng papa mo nung bata pa, hehehe! Honestly, napakasakit mawalan ng magulang, akala ko dati ganun lang kadali, hindi pala… Tnx for sharing! =(
Ayos andami mo good memories with your Dad. Didn’t expect na magiging emo sa dulo, pero ayos at least he lived a happy life.
Panalo eh yung pinagkamalan ka na kabit.
You had wonderful memries with your dad! I know he’s proud of you. π
@JoMi – Masakit nga, pero kelangan tanggapin. Isipin na lang natin happy moments kaya yan yung picturena nilagay ko π
@Mikko – Thanks Mikko. Oo nga eh. Ako naaaa =)) Just shows that we’re a cool Father-Daughter tandem π
@Roman – Thanks Roman. I really hope he is. I can feel it though π
Hi Mics,
Teary-eyed ako while reading this.
Ambait mong bata—mapagmahal na anak at kapatid.
-Iris