Isa sa mga hinahangaan kong komedyante ngayon ay si Ramon Bautista. Sa katunayan nga’y minsan ko na rin siyang nagawan ng write-up sa tabloid. Sino ba naman ang hindi maaaliw sa kanyang natatanging pamamaraan ng pagpapatawa?
Hayaan ninyong ikwento ko ang pangyayaring nangyari isang buwan na ang nakakaraan.
Oktubre bente tres sa NAIA. Alas-kwatro ng madaling-araw ang usapan namin ng mga napiling Nuffnang Bloggers para sabay-sabay na sumakay ng eroplano papuntang Singapore. Habang ako ay nakikipagtalo sa isang kaibigan sa telepono, bigla kong nakita ang isang pamilyar na mukha na dumaan sa aking harapan. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang lalaking ito sa telebisyon. Kung ‘di ako nagkakamali, sa music video ng banda ni Lourd de Veyra ko siya unang nakita. Naging isang magician nga rin ‘ata siya na wala talagang nagawang magic. Hmmmm…. nakasama rin niya ‘ata ang namayapa nang si Francis M. sa isang komersyal ng kape. Siya rin yung kasama ni Chris Tiu sa Sandbox. Ah, oo nga. Hindi ako nagkakamali! Siya si Ramon Bautista!
Nang sandaling iyon, napagitnaan ako sa dalawang sitwasyon: Aayusin ko ba ang problema ng kaibigan ko, o tatakbo ako papalapit kay Ramon para magpapiktyur? Dahil isa akong mabait na kaibigan, pinili ko yung kaibigan ko π Lumabas muna ako ng airport para sunduin ang aking kaibigan. Pagbalik ko, wala na si Ramon.
Sayang ang pagkakataon na makasama ko si ‘Sir Ramon’ sa isang larawan.
Pagpasok namin ng eroplano, nakita ko siya. Kung hindi ako nagkakamali, limang hakbang lang ang layo niya sa kinauupuan ko. Yes, sa Singapore rin pala ang baba ni Ramon! Magpapapicture ako pagdating sa airport!
Pagkatapos ng mahigit tatlong oras ng pakikipagbolahan kina Jehz at Ada at pakikinig sa mga kanta ni Taylor Swift, lumanding na kami sa wakas sa Singapore. Wow, kitang-kita na namin ang buong Singapore! Pinagplanuhan na namin ni Ada kung paano namin lalapitan si Ramon. Gusto rin nya kasi sanang magpapicture, pero nahihiya siya. Akalain mong sinita kami kaagad ng airline crew pagbaba namin ng eroplano?
Pagkakuha namin ng aming mga bagahe, dumiretso kami agad sa money changer. Naku, sana makita ko pa si Ramon! Ewan ko kung naging busy-busyhan lang ako sa pakikipag-usap sa mga kapwa ko blogista o bangag lang talaga ako, pero hindi ko na siya napansin. Nang sumakay kami ng bus, nanghihinayang na ako nun. Sayang. Mahilig kasi talaga ako magpakuha ng picture sa mga artista lalo na kapag gusto ko. Oo, fangirl talaga ako. Hindi yun pagiging jologs. Nagpapakatotoo lang ako.
Laking-gulat ko nang makita ko si Ramon Bautista sa lobby ng Link Hotel. Omaygulay! Kasama ba namin siya? Tinanong ko sina Carlos at Judd at sinabi nilang oo. Naku, kasama lang pala namin siya! Nalaman ko pa kay Yoshke na dati niya palang guro sa UP si Sir Ramon (literal na Sir nya talaga!) kaya madali akong makakapagpapicture sa kanya!
Nang matapos na kaming magbihis para sa Nuffnang Blog Awards, nakita namin siya sa lobby. Hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili at nilapitan ko na siya. Bahala na. Basta ang importante ay may picture kami!
Me: Excuse me, pwede po bang magpapicture? Favorite ko po kasi kayo eh.
Ramon: Sure, sige.
Ganun lang pala kadali! Ayun, nagpakuha na nga ako ng picture. Napansin ko rin na kaya siguro ako naaaliw sa kanya kasi malaki ang pagkakahawig nila ng tatay ko. Pareho rin silang may pagkatarantado – in a good way. Dati rin kasing DJ ang tatay ko sa amin. Hindi ko na ‘ata mabilang kung ilang istasyon na ang pinagsilbihan nya. Nakaabot pa nga yun ng Palawan eh. Mahilig din magsulat ng tula ang tatay ko na karamihan ay patawa pero patungkol sa buhay. Pareho rin silang gwapo at habulin ng chiks. Pareho rin silang maangas, pero may ibubuga naman.
Sa mismong awards night, nagpakuha ulit ako ng larawan. Salamat ulit kay Yoshke π
Nang sumunod na araw, binalak namin magkakaibigan na alukin siya na magrecord ng isang video blog kasama namin, pero nahiya kami bigla. Hindi na rin napigilan nina Fanboy Jehz at Fan Girls Hannah at Maki ang pagpapapicture kasama si idol. Pangarap ko rin na gumawa ng isang short film na pagsasamahin ko sila nina Alodia at Ashley Gosiengfiao. Nakakalungkot lang isipin na andun na yung pagkakataon, pero hindi ko pa nagawa.
Sayang din yung pagkakataon na nandoon kami nina Alodia, Ashley, Ming at mga Nyoks sa McDonald’s na muntikan naging cause of delay ng eroplano pabalik ng Maynila. Eh di sana, nainterbyu namin si Mr. McSavers sa McDo mismo.
Ikaw, paborito mo rin ba si Ramon Bautista? Ano ang iyong masasabi?
NUKS! Swerte naman ni Ramon.. XD may isang dedicated blog post wooooot!
yes. i love him too! π mabait naman si sir ramon. nakasama na rin ako nung nilibre niya mga estudyante niya (at orgmates ko – org adviser pala namin siya) ng krispy kreme π
naks! certified ramon bautista fan ka na! kagaya ko! hahahaha π
Ramon Bautista FTW! Nakakahiya lumapit kasi parang suplado, yun pala nahihiya rin pala siya hehe.
Ahaha!! Shit nakakamiss whhaaa. Mas lalong akong ninosebleed sa Tagalog post hehe
I love the group photo in the Singapore Flyer. I guess it really is fun to ride that thing in a group…reminds me of my flyer experience….cool stuff.
at least mas maputi at mas plantsado yung polo nya kesa kay David B. lolz
Wow too good to have a friends with the same passion you love, enjoy bloging and seeing each other in a memorable adventure.
Hangkyuyt naman!
Talagang idol si Ramon B….
yeah.. astig kaya ni mr.Ramon Bautista, I actually like his “Ramon Bautista Show”, ang cool ng way nya sa pag-arte and mag-interview ng mga actors, singers, etc… Sobra siyang nakakatawa, makita ko palang ang itsura nya sobrang natutuwa na ako. And by the way ms.micaela, me resemblance kayo ni mr.ramon bautista ah.
On the contrary, thank you for sharing your thoughts and information about blogging last IBlog@CEL activity. I’ve learned a lot, thankyou so much. godbless =)
@Romina- Swerte nyo naman at may libreng KK kayo kay Sir Ramon π Sana ako rin hehe π
@Hannah – at sana mabasa nya woot!
@Ada – Tumutulo na ba ang dugo sa ilong? Nyak!
@Pusang-Kalye – Oo nga. Ang saya! Sana makabalik kami ulit dun π
@Dlysen – Yes π That made the trip extra special π
@Jehzlau – Pero mas nauna ako T_T
@Lionheart – Yes naman!
@heavenscape – Wow you were there pala π yes, may resemblance nga kami. Kaya feeling ko nabuhay tatay ko sa kanya LOL!
Peborit ko din si Ramon Bautista! Haha. FTW!