Tag Archives: epy vandolph quizon

Ang Pagbabago sa TV5: Para Sa’yo, KAPATID!

Kanina ko pa sinusubukang gumawa ng napakagandang artikulo rito sa aking blog tungkol sa pagbabagong naganap sa TV5 noong nakaraang Marso 25, 2010 sa World Trade Center, pero tila nahihirapan talaga ako sa hindi ko mawaring dahilan kaya akin na lang itong isusulat sa Wikang mas kaya kong magkwento ng buong puso at walang pag-aalinlangan.

TV5_Grand_Launch_Kapatid122

Masaya ako na nakadalo ako noong nakaraang Huwebes sa World Trade Center para sa napaka-engrandeng pagtitipon na inihanda ng mga taong bumubuo sa mas palaban at mas maliksing TV5. Hindi na sila ka-Shake ngayon, kundi mga Kapatid na. Ayos, ‘di ba?

Huwag ninyo akong kontrahin kung sabihin kong isa akong malaking tagahanga ng TV5. Kung mabibigyan nga lang ako ng pagkakataon ay nanaisin ko talagang magtrabaho dun at maging opisyal na Kapatid. Nakikita mo kasi na handa silang sumugal para mas lalong umangat ang kanilang kumpanya at mas mapagbigyan ang gusto ng mga masa at sosyalerang manonood.

Sinu-sino ba ang mga naispatan ko noong gabing iyon? Teka, magkukuwento na nga lang ako sa pamamagitan ng sandamakmak na larawang nakunan ko gamit ang aking kamera. Eto na!

Continue reading