Toilets Relief When You Need It
Kinunan ni Dylan ang litratong ito habang ako’y pansamantalang namahinga sa isa sa mga kasilyang naka-display sa The Mind Museum noong Miyerkules. Wala kasi akong tulog nun kaya sabik akong makahanap ng upuan sana. Nagkataon na ‘eto naman ang bumungad sa aming pag-akyat sa ikalawang palapag. Nakakapangilabot ang larawang ito, pero gusto ko siya. Uma-artsy fartsy si Koyah. Buti na lang at walang sumingit na undin LOL.
Tama nga naman ang nakasulat d’yan. Toilets Relief When You Need It. Nakakaginhawa nga naman talaga kung nakaupo ka sa mahiwagang tronong ito. Dito mo nailalabas ang mga duming kailangang ilabas. Sa katunayan nga, nakaupo ako sa trono ngayon. Nagba-blog. Kanina ko pa kasi pinipilit magsulat sa mesa o sa kama, pero wala talaga akong mailabas. Tiningnan ko ulit ang Facebook profile ko at ‘eto kasi ang primary picture ko ngayon kaya ginawan ko na lang ng blog entry. Sayang nga naman ngayon ko lang pinasok ‘tong laptop ko rito. Pakinabangan na!
Ano pa nga ba ang mga pwedeng gawin habang nakaupo ka sa Kasilyas maliban sa jumebs, dyumingel at mag-blog? Eto na po ang ilan sa mga suhestiyon ko:
MAGBASA NG DIYARYO – Iba pa rin ang dating ng Newspaper sa akin. Broadsheet man ‘yan o Tabloid, gusto ko pa rin ‘yan. Iba pa rin ‘yung sa bawat paglipat mo ng pahina’y naaamoy mo ang freshly printed pages. Noong bata ako, nage-ensayo ako na magbasa ng ingles o tagalog habang nagbabasa ng diyaryo. Kapag nasa banyo ka kasi, walang didistorbo sa’yo at hindi ka mahihiyang magkamali.
Isa pa, halughugin ninyo yung Entertainment page kung nasaan ang nakaka-nosebleed na Crossword Puzzle. P’wede rin kayong humagulgol sa kakatawa habang binabasa ang paulit-ulit na comic strip o patuloy na umasang lucky day mo today at uunlad maging ang lablayp mo sa Horoscope section.
MAGBASA NG LABELS รย – Basahin n’yo ang mga labels ng shampoo, conditioner, feminine wash, bath gel at kung anu-ano pang anik-anik na makikita sa loob ng inyong banyo. Epektibo nga ba ang mga ito? Totoo ba na magiging shiny and bouncy ang iyong buhoy kapag ginamit mo ang shampoo na ‘yan? Walang sabit nga ba? O baka naman sapilitan lang tayo pinaglololoko ng mga ‘to para lang maibenta ang produkto nila.
MAGSULAT – Well, pasok na rin dito ang ginagawa ko ngayon nag pag-update ng blog, pero madalas na may dala akong kwarderno’t bolpen bago ako pumasok sa CR. Dito ko isinusulat ang aking To-Do list (na madalas na ‘di naman nasusunod) at mga samu’t saring sh*t na bigla-bigla ko lang naiisip. Minsan nga d’yan pa ako nagco-compute ng dapat bayaran o dapat i-save na datung kaya naman madalas na tuloy-tuloy lang ang pag-deposito ko sa inidoro. Kung trip mo mag-soduko, eh ‘di go!
MAG-EMOTE – Brokenhearted ka ba o sadyang malungkot lang? Dito ka na mag-emote. Masaya ka ba na sobrang saya na nakangiti ka pa rin kahit najejebs? Eh di mag-emote ka pa rin with matching tears of joy. Nasa trono ka. Moment mo ‘yan. Namnamin mong mag-isa.
TUMUNGANGA – ‘Yan naman talaga dapat ang gawin mo d’yan, diba? Huwag ka nang masyadong workaholic. Pwede naman tumunganga every once in a while. Karapatan mo ‘yan.
‘Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Ayan, may blog entry na ako yey! Oras na para i-publish ito at mag-flush na rin. =)
kaloka ka teh!!!hahaha
pati yan nagawan mo ng entry ๐ hahaha
kulit ng first pic.. in fairness, dahil jan may blog entry.. heheh.. ๐
@TrackingTreasure – Ganyan talaga kung hindi nakakalabas ng Manila =))
@rdsean – may naitulong din siya haha
I read magazines! nothing special haha I also ha a blog ManilaTrade it’s all about Pinoy products!