Usong-uso ngayon sa social networking site na Twitter ang larong #NoonNgayon. Sa pamamagitan nito, nagpapalitan ng mga kuro-kuro ang ilan sa mga kababayan natin na inihahambing ang pagkakaiba ng ilan sa mga bagay na ating ginagamit o pamamaraan ng paggawa ng mga bagay-bagay noon sa ngayon. S’yempre, malaki ang kontribusyon  ng teknolohiya rito. Obvious naman, ‘di ba? 😀
Bilang isang batang lumaking adik sa pag-iinternet, naglista na rin ako ng ilan sa mga bagay na na-obserbahan kong nagkaroon ng malaking pagbabago sa nakalipas na taon:
NOON: Library para sa Research
Naalala ko noong ako’y nasa elementarya pa lamang, naging adik ako sa paghihiram ng libro sa aming school library. Lahat na ‘ata ng klase ng libro ay nahiram ko : Science and Mathematics, Novels, Compilations, Autobiographies at kung anu-ano pa. Hindi ako tumigil noon hangga’t hindi ko napupuno ng mga titulo ng librong hiniram ang aking Library Card. Umabot pa sa puntong nagkaroon ako ng multa dahil hindi ko naibabalik sa nakatakdang deadline ang ilan sa mga hiniram ko HAHA 😛
NGAYON: Search Engines for faster results!
Kung dati rati ay halos mamalagi ang mga estudyante at scientist sa library para halungkatin ang kukurampot na impormasyon para sa mga takdang aralin o mga research works, ngayon ay naka-upload na sa samu’t saring websites ang mga impormasyong kailangan mo! Ang kailangan mo lang gawin ay i-type sa search box na paborito mong search engine (Google, Yahoo, MSN etc.) ang gusto mong hanapin ay kaboom! Nasa harapan mo na ang mga hinahanap mo! Minsan pa nga’y sobra-sobra pa ang makakalap mo dahil pati mga larawan na sa news clipping lang nahahanap ay nakasambulat na sa monitor screen mo. May optiona ka pa na i-save o i-print ito.
NOON: Diary/Notebook
Halos lahat ng tsikiting noon ay may itinatagong diary, kung saan nila buong-layang inihahayag ang kanilang tunay na nararamdaman. Dito rin isinusulat ang pinakatatagong sikreto. Kahit nga sa teleserye noon ay sa diary ni Kardo (Dan Fernandez) Â isinulat ang sikreto tungkol sa pagkatao nina Mara at Clara (Judy Ann Santos and Gladys Reyes). Isinulat din ng tatlong babae sa Red Diaries ni Assunta de Rossi ang… oooops…. nevermind. 😛
NGAYON : Online Journals/Blogs
O ha, umo-online journal na ngayon! Kung gaano ka-pribado ang mga diaries natin noon, ngayon ay open na ito for public reading. Itong binabasa niyo ngayon ay isang magandang example ng isang blog entry. Meron ka rin namang option na gawing ‘private’ ang inyong mga blog entries o ‘di kaya’y password protected para ang mga BFF’s mo lang ang makakabasa nito. Hindi ko lang mawari kung sa bagong Mara Clara ay diary pa rin ang ginamit ni Karlo (Pen Medina) o baka naman nag-open ito ng Livejournal account LOL
NOON: Developed Pictures in Photo Albums
Noong nasa elementary at high school ako, laging nasa wishlist ko tuwing Christmas ang photo album. Sandamakmak kasi ang mga larawang nakatambak sa bahay at nakakapanghinayang naman kung nakakalat lang ito kung saan-saan. Madalas na humihiram lang kami ng camera sa kamag-anak o sa kaibigan at kinakargahan namin ito ng rolyo. Asar na asar ang lolo ko sa mga stolen shots dahil sayang lang daw ang film. Madalas na tiba-tiba noon ang mga professional photographers sa kasal at graduation dahil maraming nagpapakuha sa kanila ng litrato.
NGAYON: Digital Photos uploaded in Online Photo Albums
Kung dati-rati ay tipid na tipid tayo sa mga camera shots, ngayon ay ‘shoot all you can’ ang tema ng mga digital cameras. Kung ayaw mo ang kuha mo, you can delete it anytime. Hindi lang ‘yan, pwede pang i-edit ang mga ito. Kung dati ay kailangan mong magpa-recopy ng pictures gamit ang mga negative, ngayon ay pwede mo nang i-upload ito sa Facebook, Flickr, Photobucket at sa kung saan-saan pang online photo album sites. Pati ang mga kamag-anak mo sa ibang lupalop ng mundo ay makaka-view ng mga panalong kuha mo.
NOON: Postcards and Letters
Sino nga ba ang hindi naaliw noon sa postcards and letters? Marami sa atin ang naranasang makipag-penpal para lang makakuha ng sulat mula sa postman. Ang iba pa nga ay naging stamp collectors pa dahil dito. Kamakailan lang ay binuhay ko ang aking relasyon sa pagpapadala at pagtanggap ng postcards. Nakakagulat lang dahil karamihan pala sa mga pinadalhan ko ay first time nilang makatanggap ng ganito. At least nabinyagan ko sila sa isang bagay 😛
NGAYON: E-mail, Instant Messenger, Shoutbox, Forums, Blogs etc!
Basta may internet connection ka, mapapadalhan mo ng mensahe ang kahit sinong may online user accounts. Kung dati rati ay inaabot ng buwan bago dumating ang mga postcards at sulat, ngayon ay segundo lang ang binibilang na oras. Bilis!
Nakakatuwang isipin na kasabay ng pagtanda ko ay ang pag-unlad din ng teknolohiya partikular na ang internet. Dati nga, Geocities ang lagi kong binubuksan dahil nagu-update ako ng mga website ko. Ngayon, puro blogs na ang inaasikaso ko. No wonder malaki talaga ang naitulong ng technology para mapabuti ang ating buhay. Hindi ko nga lang maiwasang maging senti dahil aminin man natin o hindi, karamihan ng mga netizens ngayon ay mas gusto nang makipag-usap sa pamamagitan ng kompyuter o celpon kesa makipagkita at makipag-usap sa personal.
and wecould only wonder and marvel in what the future holds in terms of gadgets. 🙂
Ganyan pala noon. Di ko na kasi naabutan yan. :-p
Ako din di ko naabutan yan! haha
tanda tanda mo na pala. hahaha
Ang daming in-denial dito ah. Mas matatanda po kayo kesa sa akin =))