Kanina ko pa sinusubukang gumawa ng napakagandang artikulo rito sa aking blog tungkol sa pagbabagong naganap sa TV5 noong nakaraang Marso 25, 2010 sa World Trade Center, pero tila nahihirapan talaga ako sa hindi ko mawaring dahilan kaya akin na lang itong isusulat sa Wikang mas kaya kong magkwento ng buong puso at walang pag-aalinlangan.
Masaya ako na nakadalo ako noong nakaraang Huwebes sa World Trade Center para sa napaka-engrandeng pagtitipon na inihanda ng mga taong bumubuo sa mas palaban at mas maliksing TV5. Hindi na sila ka-Shake ngayon, kundi mga Kapatid na. Ayos, ‘di ba?
Huwag ninyo akong kontrahin kung sabihin kong isa akong malaking tagahanga ng TV5. Kung mabibigyan nga lang ako ng pagkakataon ay nanaisin ko talagang magtrabaho dun at maging opisyal na Kapatid. Nakikita mo kasi na handa silang sumugal para mas lalong umangat ang kanilang kumpanya at mas mapagbigyan ang gusto ng mga masa at sosyalerang manonood.
Sinu-sino ba ang mga naispatan ko noong gabing iyon? Teka, magkukuwento na nga lang ako sa pamamagitan ng sandamakmak na larawang nakunan ko gamit ang aking kamera. Eto na!
Wow, ang dami ko pala talagang nakuhang piktur nu’ng gabing iyon! Kitang-kita naman siguro na isa talaga akong fan girl at hindi ko iyon ikinakahiya. Mahilig talaga ako magpakuha ng litrato kasama ang iba’t ibang artista kahit pa sabihin ng iba na ka-jologsan ito. Kung iyon man ang batayan ng pagiging isang jologs, eh ‘di jologs talaga ako. Ito lang ang masasabi ko: Masayang magpakatotoo at sa katunayan nga, ito pa minsan ang magbubukas sa’yo sa pintuan ng maraming oportunidad sa buhay. <3
Sa totoo lang, aliw na aliw ako sa TV5. Hindi sila masyadong istrikto sa mga bisita nila. Malaya kaming nakakapunta sa backstage at buti na lang at wala rin silang mga artistang prima donna. Pinaka-masaya ako sa pagkakataon na nakunan ako ni Hannah ng larawan kasama si Dolphy. Paborito ko po kasi siya lalo na sa magandang pagganap niya sa pelikulang ‘Markova’. Ang galing-galing lang niya talaga.
Gusto niyo bang malaman ang pinakaunang dahilan kung bakit sumugod talaga ako sa World Trade Center kahit pa ang trabaho ko ay sa Kyusi pa? Well, hindi si Justin Timberlake talaga ang pakay ko kahit pa ‘yun ang pakay ng karamihan (na ikinadismaya ng iba dahil hindi naman talaga siya dumating). Medyo nalungkot lang ako nang hindi ko nakita si Cogie Domingo. Oo, si Cogie Domingo ang tunay na dahilan ng pagsugod ko. Hindi naman ako talaga malungkot na wala siya, pero mas masaya sana kung nandoon siya. Sana ay makumpirma na rin na isa na nga siyang artista sa Kapatid network π
Umuwi ako kasabay ng aking mga kaibigang blogista dala-dala ang mga alaala ng napakasayang gabi. Matagal-tagal na rin akong hindi nagpaka-fangirl, huh! Doon ko lang din na-realize na mahal ko pala talaga ang trabaho ko dahil malaya kong nasusulat ang mga gusto kong isulat tungkol sa mga artistang kinagigiliwan ko.
Natupad na rin pala ang isang pangarap kong iyon.
Naging emo naman ako bigla huhuhu T___T
Gusto kong magpasalamat kay Ginoong Myk Cruz sa imbitasyon! Isa kang tunay na Kapatid! Kitang-kita namin kung gaano ka ka-determinado sa iyong trabaho. Sana ay ma-promote ka pa lalo sa mas mataas na posisyon para lalong madagdagan ang trabaho mo wehehe π Maraming salamat muli sa iyo. Sa uulitin! π
***Kung hindi ninyo maintindihan ang pinagsasasabi ko sa entry na ito, nararapat lang siguro na gumamit kayo ng Google Translator. Sige na, subukan niyo na! Dali! π
Pagpasensyahan niyo na rin ako. Sobrang saya ko lang habang sinusulat ko itong entry na ito. Salamat sa pang-uunawa.
Tunay na naging masaya at kapana-panabik ang pababago ng TV5 na ngayon ay Kapatid na. Ako man ay di malaman kung papaano isasatitik ang kagalakan ng gabing iyon. Maraming salamat sa ma larawang kinuhanan mo Kapatid na Mica. Hanggang sa muling pagimbita ni Kapatid na Myk Cruz! =]
Inaantay kong ipalabas ang bagong anime na CLANNAD….the LONG Wait is over….
Kahanga hanga talaga ang malaking pagbabago ng istasyong ito.
Walang duda na uunlad ito at bubulusok ang mga masayang programa.
Mukhang kapanapanabik ang paparazzi.
Di ko talaga makapaniwala na makukuha ng ating kapatid na TV5 ang CLANNAD na isa mga highest rating kong anime.
Sadyang napakaganda ng iyong ginawa. Maging ako man ay nadala sa iyong emosyon. Hindi ka namin maaaring pagtawanan kung iniisip mo man na “Kajologsan” ang iyong pinaggagagawa. Maging kami man hangad din ang makasalamuha at makahalobilo-bilo ang mga hinahangaan nating mga “Kapatid”. Lalo na ang Kapatid nating si Jove. Pangarap ko rin ang makasama sila. Sana sinama mo ako sa mga kalokohan mo. Parang pati ako nahawa mo na sayong mala makatang pananalita. Ipagpatuloy mo lang ang iyong paghanga, may mararating ka din. Maaaring makarating ka rin sa kinalalagyan ng mga pinapangarap mo. Kung maaari wag kang bibitiw sa TV5. Malaki ang “TAMA” mo. TV5 THE NEXT BIG THING IN PHILIPPINE MEDIA HISTORY. THE NEXT FAMILIES FAVORITE TV STATION. KAPIT MGA KAPATID! NANDITO NA SILA.
Grabe ang daming pics!!! But thanks for sharing the experience and letting your readers feel as if they were physically there at the grand launch. Keep writing about TV5 and we look forward to more updates from you π
Maraming Salamat sa mga komento, mga Kapatid! π