Bihira na akong magsulat ng blog entry in taglish pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa tingin ko, sa ganitong paraan ko lang maipapahayag ang tunay kong nararamdaman sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga taong naging malaking impluwensya sa buhay ko kahit pa marami ang hindi nakakaalam o nakakaintindi kung bakit ganito siya ka-importante sa akin na naisipan ko pang gumawa ng blog post tungkol sa kanya.
Tara, balik tayo sa taong 1999…
Umuusbong pa lang ang internet noon. Naalala ko pa nga na natuto akong mag-internet dahil may nakita akong website address sa isang Spice Girls memorabilia. Sabi ng kaklase ko, mag-internet daw kami para makakita kami ng maraming pictures ng Spice Girls. Ano nga ba yung internet? Ay, sa kompyuter ‘yun. Maraming nagagawa sa internet pero napakamahal. Sa iskul namin noon, pwede ka gumamit ng napakabagal na dial-up internet sa internet laboratory na makikita sa main library. Php 25 per hour. Bago ka makagamit, kailangan mong pumunta pa sa cashier para magbayad ng itinatawag na ‘internet fee’. Dahil isa akong estudyante na kakarampot lang ang baon, sobrang namamahalan ako. Umabot pa nga sa puntong hindi ako kakain ng ilang araw maipon ko lang yung bente singkong pambayad ko sa isang oras na pagi-internet.
Ang adiksyon ko sa pagi-internet ay lalong lumala (in a good way, i must say) noong isang araw, may isang OJT na naawa sa akin.